bakante
2:53 AM | katha ni Kiko Sanchez
kupas na tela lamang ang dumampi sa kanyang balat. isang taong paghihintay at ito lang ang daratnan pag-uwi mula sa trabahong hindi niya kinaaliwan. trabahong pantawid gutom lamang.
palikuran(2) - mag-iwan ng bakas
torpe
12:19 AM | katha ni Kiko Sanchez
sinikil ng iyong labi ang aking pagnanasa. habambuhay kong gugugulin ang mga gabing sinasambulat ang aking lihim sa salamin, naghihintay na mabasag o basagin, kung anuman ang ikasasaya natin.
palikuran(0) - mag-iwan ng bakas
ang hamon kay pornoprik
12:00 AM | katha ni Kiko Sanchez
gumawa ka ng mga talatang
nakakatuwa
sa tainga
at gumigimbal sa halakhak
ang hamak
ang duwag
ang nananatili sa kasikatan
ng iyong mga salitang
sumisirko sa aking tadyang
at sumasabog
at biglaang nawawala

hindi lahat ng masaya ay maligaya.
palikuran(2) - mag-iwan ng bakas
miyawing kuting
11:12 AM | katha ni Kiko Sanchez
minsan kang nawala
habang ang giliw ay pinupukaw
ang iyong mga mata
at bigla
hala
kumalam ang sikmura
umagos ang luha
at alingawngaw ng lupa
tangan ang pait ng iyong tangis
ang gagambay inalok ka
ng malamang insekto
ang kambing ay hinapagan ka
ng sariwang damo
ang langgam ay naghain ng
malinamnam na tinik
ngunit tanggi lamang
ang tangi nilang narinig.
kumalam ang sikmura
umagos ang luha
ngunit ang lupa
ay tahimik

*isa sa mga paborito kong aklat nung hindi pa ako nagaaral. dito ako natutong magbasa, sa bahay naman kasi ako nagkinder, habang nagtitinda ng itlog. pangmahirap na homestudy. susubukin kong maalala ang mga aklat ng pagkabata na tumatak sa isipan ko. at itatago ko sa baul na may pamagat na itlog pugo.
palikuran(4) - mag-iwan ng bakas
ang ulat ng panahon mula sa PAGASA
8:57 AM | katha ni Kiko Sanchez
manaka-nakang pag-ulan
dulot ay isang linggong init ng araw
tadtad ng balita ng tagtuyot
na binaha ng dalawang pulgada
sa palpak na barometro
at wala sa aking hinagap
na sa lunes, oo, sa lunes,
uulan ng yelo
sa tondo

---

ang pusa inililigaw
kapag tinulugan ang mga daga
pero ikaw may trabaho
palikuran(1) - mag-iwan ng bakas