kapit sa patalim
1:27 AM | katha ni Kiko Sanchez
kinalyo na si kuya sa pagkapit sa kanyang ulirat
hinabi na ng drama ang iyong nagmamatigas na balat
sisimsimin mo pa rin ang natitirang lupit ng kanyang mga taludtod

at unti-unti'y gigibain ang kanyang mga bigkis,
ng mga pangarap mong hindi nya maarok
ng serye ng iyong tulang matalim at hayok

bukas, sa tala siya luluhod
ikaw, sa kaban ka malulunod.
palikuran