minsan kang nawala
habang ang giliw ay pinupukaw
ang iyong mga mata
at bigla
hala
kumalam ang sikmura
umagos ang luha
at alingawngaw ng lupa
tangan ang pait ng iyong tangis
ang gagambay inalok ka
ng malamang insekto
ang kambing ay hinapagan ka
ng sariwang damo
ang langgam ay naghain ng
malinamnam na tinik
ngunit tanggi lamang
ang tangi nilang narinig.
kumalam ang sikmura
umagos ang luha
ngunit ang lupa
ay tahimik
*isa sa mga paborito kong aklat nung hindi pa ako nagaaral. dito ako natutong magbasa, sa bahay naman kasi ako nagkinder, habang nagtitinda ng itlog. pangmahirap na homestudy. susubukin kong maalala ang mga aklat ng pagkabata na tumatak sa isipan ko. at itatago ko sa baul na may pamagat na itlog pugo.
palikuran
homeschooler ka?
kaya pala.
tula lang ng tula.
ano kaya ibig sabihin ng kaya pala? haha
ano sa tingin mo? :)
parang hindi maganda sa balunbalunan