ngayon ko lang naisip na mahirap magsalin ng wika. pahirapan. masakit sa ulo. babaguhin mo lahat ng css tapos mababaliw ka dahil hindi mo maisip kung anong katumbas na salita nun sa tagalog. mas madali pang maglaslas.
naisip ko rin na mahirap gumawa ng seryosog blog. lalo na kung hindi ka naman talaga seryoso. pero pipilitin kong sinupin lahat ng seryosong bagay na laman ng utak ko. sana lang hindi ako pumalya sa i-spelling (pagbaybay kung oc-oc ka) dahil walang spell checker sa tagalog at wala akong balak magpresinta sa microsoft na maging translator.
kung iisipin, parang tagalog lang ito ng kikosmitten blog ko pero sisikapin kong magkaroon siya ng sarili niyang katauhan.
- - -
obando
nakatira ako sa obando. isang bayan na malapit nang mawala sa mapa... o baka kasama pa rin sa mapa pero magiging parte na ng manila bay. kung nagtataka ka kung bakit kailangan pa ng high tide and low tide schedule sa kalendaryo, pumunta ka sa obando at mahahalikan mo ang nakaisip nun. isa pa, maaaring gamitin ang tide schedule bilang conversational piece sa mga tindera at panakot sa mga matatanda. 'ate! 4.5 daw ang tubig bukas!' hindi ko alam kung paano pero naiintindihan namin kung ano ang ibig sabihin nito ngunit hindi ko alam kung anong klaseng ruler ang panukat at kung paano nakuha ang 4.5.
sa aming baranggay, maraming sidecar. yun yung tawag sa pedicab o tricycle na de-padyak. lahat ng pedicab sa amin, malalaki ang gulong. at doble ang kapal ng kadena ng plato. custom made para sa baha.
pero kung talagang mag o-ondoy ang kalangitan, mas madalas ganito ang kalakaran:

- - -

